Epilogue “Bron, anong ginagawa mo rito, bakit mo sila kasama?” Hindi pa rin ako makapaniwala nang makita ko siya mismo sa harapan ko. “Napag-isip-isip niyang kailangan niyang gamitin ang sarili niyang kapangyarihan sa mas maganda pang dahilan,” si ama ang sumagot kaya napasulyap ako sa kanya at napailing. “Anong ginawa ninyo sa kanya!” Susugod na sana ako kay ama ngunit nakangisi lamang siya sa ‘kin, hindi na ako tuluyang nakalapit nang hatakin ako ng kawal nila para pigilan ako, nagpupumiglas ako at mas lalong nagliliwanag ang mga kamao ngunit walang lumalabas na kahit na ano, “bitawan ninyo ako! Bitaw!” Sapilitan nila akong pinaluhod sa harap nila at nilapitan ako ni ama, “huwag ka nang manlaban lahat ng ito’y matatapos na kung susunod ka lang sa ‘kin kaya ‘wag ka nang magmatigas.”
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books