Kabanata 27 Preparation Sumapit ang araw ng Linggo. Ito ang araw na inaya ako ni Menchie na magpasukat ng gown na susuotin ko sa aking birthday party. Noong una ay todo tanggi ako ngunit nang makausap ko sina Manang Gloria ay naisipan kong anyayahan sila sa aking nalalapit na kaarawan. "Aba'y pwede ko rin bang isama ang apo kong si Lotta?" Paalam ni Manang sa'kin. "Pwedeng pwede ho, manang!" Nakangiti kong sagot sa telepono. "Aba'y perstaym kong nakakasakay ng eroplano," aniya sa'kin bago humagikgik. "Huwag ho kayong mag-alala. Kasama n'yo naman ang apo n'yo pati na rin sina Allan at Issay." "Kung gano'n e, paghahandaan namin ang araw ng kaarawan mo. Mag-iingat ka d'yan palagi, apo ko." I smiled widely. "Opo, kayo rin mag-iingat d'yan." Binangit pa n'ya sa'kin kung dadalo ba si