Kabanata 26 Hurt Ilang araw din akong wala sa wisyo habang iniisip ko kung sino ba ang kausap ni Ellwood sa kabilang linya nang tawagan ko siya. Malayong si Pia ang babae na 'yon dahil kahit sandali ko lamang ito nakilala ay alam ko ang boses nito, kahit pa si Paroah. Tiyak na isa na naman iyon sa mga babae n'ya. Oh, baka marahil ay si Emory 'yon? Hindi malayong si Emory ang kausap niya. Ramdam kong may kumurot sa dibdib ko nang mapagtanto ang bagay na 'yon. "Earth to Venice!" Nilingon ko si Menchie na siyang umikot naman ang mata sa'kin. "Are you with me? Kanina pa ako salita ng salita dito pero mukhang nasa kabilang mundo ka, ayos ka lang ba?" "Ano ulit 'yon?" "Sabi ko ano ang plano mo sa nalalapit mong kaarawan?" Tumikom ang aking mga labi. Sa totoo lang ay wala akong plano. Ay