Kauuwi lang niya galing sa shop,hapong hapo at pagod na pagod ang katawan niya lalo na ang mga paa hinihimas niya ito at nangangalay na ang dami kasi nilang customer ngaung araw at kulang siya sa tauhan hindi pumasok ang dalawa kaya siya ang natoka sa cashier kaya halos buong araw nakatayo lang siya. Humilata muna siya at gusto niyang ipahinga ang mga paa.Nang may marinig siyang kumakatok sa pintuan niya alas otso na ng gabi at ang kaibigan niya kanina pa umuwi wala naman siyang inaasahan na bibisita sa kanya. Sino naman kaya ito at gabi na pupunta pa dito sa bahay niya tumayo na siya at titingnan niya kung sino man ito o baka ang kaibigan at may nakalimutan sa kanya. Kaya kaagad niyang binuksan ang pintuan "Bes may naka- "Baby? Gulat na gulat siya sa taong nasa harapan niya hindi ni