Nagising siyang nasa ibang kwarto na hindi ito ang kwarto niya sa bahay kaya alam niyang nasa ibang lugar siya at naamoy niya ang amoy ng gamot.Nasusuka na naman kaya bumangon siya kaagad ngunit may nakahawak at nakayukyok na tao sa gilid ng higaan niya.Nag angat ito ng mukha na tila nagulat pa ng hilahin niya ang kamay niyang hawak nito. "Baby what do you feel? Nag aalalang tanong pa nito. "Nasusuka ako! bumaba siya kaagad sa higaan para tumungo sa banyo para sumuka.Nakasunod din ito sa kanya at inalalayan pa siya habang nagsusuka siya sa banyo hinihimas din nito ang likuran niya para gumaan ng kaunti at guminhawa. Puro maasim na laway pa rin ang sinusuka niya katulad ng mga nakaraang madaling araw na gumigising pa siya para sumuka lang ng mapait. "Baby are you ok now? pinunasan na ni