Halos hindi makahinga si Alelie sa dami ng press at mga tao. Nangalay na din yata ang kanyang panga sa kaka- ngiti habang nakaharap sa madlang people. Kumukiti- kutitap na nga ang kanyang mga mata sa mga nakakasilaw na kislap ng mga camera at mga ilaw. Natutulili na din ang kanyang mga tainga sa mga iba't- ibang boses ng lahat. Bigla tuloy sumakit ang ulo ni Alelie at medyo nahihilo na din siya. Subalit ang mga nararamdamang iyon ni Alelie ay pawala- wala sa bawat haplos at diin ng kamay ni Monroe sa kanyang likod. Kaya napapatingin si Alelie sa mukha ng kanyang asawa habang sumasagot sa mga tanong ng press. "Relax, my sweet honey pie! Malapit nang matapos ang press conference, malalaman na ng buong mundo ang hidden Wife ng hubby mo." Bulong ni Monroe kay Alelie. Agad namang nagsitayuan