Hindi na muna naglalabas si Alelie at baka muli na namang mag-jtus ang landas nila ni Rain. Hindi sa iniiwasan niya ang binata, napagtanto kasi niyang mag-usap man sila wala na ring saysay. At saka, mas gusto na din niyang hindi malaman ang mga nangyari kay Rain habang magkalayo sila noon. Para ano pa? Hindi naman na maibabalik pa ang dati nilang relasyon maski mag-kwentuhan sila about sa nakaraan. "Need mong mag-parlor beauty today, may press conference ako mamayang gabi." Tinig ni Monroe ang nagpabalik sa naglalakbay na isipan ni Alelie. "H- Ha? Why? Kasama ba ako sa press conference mo?" gulat na tanong ni Alelie. Monroe locked his coat and stared at Alelie's face. "Just do what I've said, see you later!" anito at lumabas na ng kwarto. Oo, dumating na si Monroe galing abroad at mas