Hindi din nagtagal sina Alelie sa pagdalaw sa kanilang Nanay at kapatid. Gaya nga ng kasunduan kailangan ni Alelie na maasikaso si Monroe bago ito lumipad papuntang abroad. At kagaya din ng dati ay maraming ibinilin at ipinaalala ni Monroe kay Alelie bago ito tuluyang umalis. "Napadalaw ka?" may saya sa boses ni Devie pagkakita kay Alelie. Agad na nagbeso- beso ang dalawa saka nagyakapan. Ganoon din ang ginawa nj Adelfa nang makitang dumating si Alelie sa bar. "Mabuti pinayagan ka ni Sir Monroe? Sabi kasi niya noon, once maikasal kayo hindi ka na niya papupuntahin dito." Wika naman ni Adelfa sabay abot ng orange juice kay Alelie. Ngumiti naman si Alelie. "Ako lang naman ang makulit. Saka, behave kasi ako kaya niya ako pinapayagan." Aniya. Bigla namang tumahimik ang dalawang kaibigan