Laking tuwa ni Aling Laura nang dumating nga si Aries sa kanilang bahay. Walang pagsidlan nang tuwa ang Ginang dahil magkakasama na naman sila lahat kagaya ng dati. "Pasalubong ko po sa inyo ni Aileen Inay!" Masayang wika ni Aries nang iabot nito sa Ina ang hawak na pizza at mga prutas. "Naku, kahit walang pasalubong anak ah okay na ako! Basta, sama- sama tayong lahat," masaya ding sagot ni Aling Laura. "Si Alelie Inay?" Tanong ni Aries kapagkuwan nang hindi mahagilap ng mga mata nito ang pigura ng kapatid. "Nasa kusina at inihahanda ang ating hapunan, halika!" Yakag naman ng Ginang sabay hila sa kamay ng binata. Sakto namang naluto na ni Alelie ang sinigang na baboy at malalaking sugpo na iginisa nito sa butter na may maraming bawang. "Wow, ang bango ah! Paniguradong napakasarap ng