Medyo nakaluwag na sa alalahanin si Alelie tungkol sa estado nilang mag- asawa. Pero hindi pa din niya maiwasang isipin na balang araw ay lalabas din ang katotohanan. Ganoon pa man ay pilit niyang iwinawaglit iyon nang sa ganoon ay makausad naman siya sa araw-araw. "I have to attend the meeting banza sa Cebu for two days. Do you want to come para naman makapamasyal ka?" Untag ni Monroe kay Alelie habang hawak ang tasa ng kanyang kape na nakatanaw sa may terasa. Nagulat man si Alelie ay hindi ito nagpahalata. Pinilit niyang ngitian si Monroe pagkalingon niya dito. "Gusto ko sana pero puwede bang doon muna ako kina Inay? Gusto ko lang sanang bumawi sa kanya doon sa alam mo na." Sagot niya. Ngumiti naman si Monroe at mas nilapitan niya pa ang asawa. Saka nito pinitik ang tungki ng ilong n