Hingal na hingal si Alelie pagkatapos nitong makabalik sa finish line. Ikaw ba naman ang patatakbuhin ng ilang laps at paghilahin ng makapal na lubid. "Ahhhh!" anito sabay salampak sa lupa at agad na uminom. Nameywang naman si Monroe na lumapit dito sabay iling- iling. "Do you know that after you run for several laps,and to sit immediately are not advisable?" Naka- kunot noong sabi nito. Hindi tumingala si Alelie, ni hindi nito tinapunan ng tingin si Monroe. Habol talaga ang kanyang hininga palagay niya ay mahihimatay na siya. "Stand up," utos ni Monroe. "No," mahina ang boses ni Alelie sabay iling. Subalit mabilis itong sinaklit ni Monroe at ipinatayo. "Ano ba?!" Singhal ni Alelie. "Listen, kapag pagod ka sa kakatakbo huwag kang uupo agad. Mas mahihirapan ka sa paghinga, all you