Nagising si Ponyang na masakit ang katawan. Hindi siya makabangon sa sakit ng kaniyang balakang ang kaniyang mga binti at hita ay para bang binugbog. Masama ang pakiramdam niya na para siyang lalagnatin na hindi niya maipaliwanag. Wala na si Clark sa kaniyang tabi. Wala siyang suot na damit ngunit balot naman ng kumot ang kaniyang katawan. Pinilit niyang bumangon para makapagpalit ng damit. Nagpunta muna siya sa banyo upang linisin ang kaniyanga sarili, nagtooth brush siya naghilamos. Nang bumaba siya para sa almusal ay naabutan niyang kompleto ang pamilya. "Sorry po kung tinanghali ako ng gising,"paumanhin niya sa mga kasama. Nangangalahati na ang pagkin ng mga ito sa kani-kanilang mga plato. "It's okay, Isabela, mukhang matamlay ka, masama ba ang pakiramdam mo? Sana hindi ka na buma

