Pagkatapos ng kaniyang apat na oras na operasyon ay pinasyalan muna ni Clark ang kaniyang mga pasyente para i-monitor ang kalagayan ng mga ito. Lumapit siya sa front desk para i-check sa laptop na naroon ang records ng isa niyang pasyente na katatapos lang niyang check-upin. "Dr. Clark, may naghahanap po sa inyo. Naghihintay siya sa office mo," bungad na sabi ng nurse sa na naka-assign sa front desk. Kababalik lang nito sa pwesto niya at hindi alam ni Clark kung saan ito nanggaling. Mula sa pagkakatitig sa laptop ay umangat ang ulo niya para balingan ng tingin ang nurse. "Sino?" tanong niya rito. "Si Mr. Ice Evans po, Doc," tugon naman nito. Kumunot ang noo niya. Nagtataka siya kung bakit siya hinahanap nito? Wala siyang idea kung ano ang pakay sa kaniya ng binatang negosyante? "Okay,

