Matapos kumain ay namili na ng kani-kaniyang silid ang mga bakasyunista. Ang resthouse ng mga Vander ay may tatlong bahay. Ang pinili nilang okupahin ng grupo ay ang pinakamalaking villa, mayroon itong 20 bedrooms. Kahit na maraming silid sa bahay na iyon ay mas ginusto ni Ponyang, Jen at Michelle na magsama-sama sa iisang kwarto. Malaki naman iyon at may malapad ang kama na kasya kahit sampung katao pa ang mahiga. Si Iñigo ay umokopa ng isang silid kasama ang kaniyang girlfriend. Si Brix ay gayundin din ang ginawa. Tanging si Clark ang nagsosolo sa isang kwarto dahil ang mga kaibigan nila Iñigo kasama si Ice ay inokupa naman ang malaking silid na may extension. Nagpahinga muna ang lahat, kasagsagan pa kasi ng init sa labas. Natulog sina Michelle at Ponyang, samantalang si Jen naman ay