Chapter 55- Dagat•

3119 Words

Nagkakagulo ang grupo sa masarap na meryendang inihain ng mga katiwala sa villa. Ito ang unang pagkakataon na nakatikim sila ng ginataang bilo-bilo. Maraming sahog at may langka pa. "Mainit 'yan, teka akin na, ako na ang magbubuhat baka mapaso ka pa." Kinuha ni Ice ang hawak na mangkok ni Ponyang. Hindi na ito nagprotesta pa at hinayaan na ang binata nag magdala niyon sa lamesa para sa kaniya. Nakapwesto na ng upo ang lahat at abala sa kanilang pagkain. "Kuya Ice, dito... dito kayo!" tawag ni Michelle, may bakanteng upuan sa tabi nito kaya doon nagtungo ang dalawa. Napagitnaan si Ice nila Ponyang at Michelle. Masayang-masaya si Ponyang. Naamoy pa lang niya kanina ang nilulutong ginataang bilo-bilo ni Aling Selya ay naglaway na siya sa gutom. Ang bango ng amoy ng pandan na inilgay nit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD