"Bakit hindi ka makasagot? Anong ginawa mo sa kwartong 'yan, bakit d'yan ka galing? It's a boys room, Isabela," seryosong sabi ni Clark kay Ponyang. Alam niyang nasa dagat ang mga barkada ng kaniyang mga kapatid dahil kanina ay iniwan nila ang mga ito roon. Kaya ang naiisip lang niya ngayon na kasama ni Ponyang sa loob ay walang iba kung hindi si Ice, dahil siya lang naman ang bukod tanging hindi sumama sa grupo. "Shhh.. Hinaan mo ang boses mo ano ka ba?" Sinaway ni Ponyang si Clark dahil mataas na ang tono ng boses nito at tila ba inis. May sasabihin pa sana ito kaya lang ay kinuha niya ang kamay nito at hinatak palayo sa silid na iyon. Nang makarating sila sa dulo ng pasilyo ay saka lang siya tumigil sa paglalakad kaya si Clark ay napatigil din. "Why did you bring me here?" walang kan