Totoo naman ang nasa isip ni Ponyang, ginu- good time lang siya ni Clark. Hindi naman nito tototohanin ang paghalik sa kaniya ngunit dahil sa seryoso nitong mukha ay naaalarma siya ng husto. Umatras siya, paatras ng paatras ngunit sa bawat atras niya ay sinusuklian ng abante ni Clark. "Oh, come on, don't make hard things on me. Magpapahalik ka ba o hindi?" tanong ni Clark. Wala talaga siyang balak na tigilan si Ponyang. Natutuwa siyang iniinis ito. Walang kamalay-malay ang dalawana isang hakbang paatras pa ay may bangin na naghihintay sa kanila. Dumating na ang hindi inaasahan ni Ponyang sa muling pahakbang niya ay dumulas ang paa niya sa pababang lupa, nawalan siya ng balanse ngunit bago siya mahulog ay napakapit siya kay Clark. Naisama niya ito sa kaniyang pagbagsak at nagpagulong-g