Nagtataka si Ponyang sa mga ikinikilos ni Ice mula ng magbakasyon sila sa Isla ay naging iba na ang pakikitungo nito sa kaniya. Pakiramdam niya ay iniiwasan siya nito. Kapag nasa C&C siya ay hindi siya kinakausap nito, kapag nakakasalubong naman niya ito sa eskwelahan ay parang hindi siya kilala nito. Wala siyang maisip na ginawang masama rito para iwasan siya nito. Kahit na ganun ang pakikitungo nito sa kaniya ay hindi niya magawang magtampo rito. Hinintay na lang niya na ito ang unang lumapit sa kaniya. Katulad ng palagi niyang nangyayari sa kaniya ay muntik na namanb siyang ma-late sa klase ni Mr. Ignacio, mabuti na lang at pinatawag ito sa dean's office kaya naman nakapasok siya sa loob ng classroom kahit na limang minuto na siyang late. "I invited Clark to have a dinner with me tomo