"I've been busy these past few weeks. I felt so guilty that I didn't pay much attention to you and Uno, so I promised myself that I would make it up to you once I had fixed all the problems in my business." Sinadya ni Ice na mag-leave muna sa trabaho matapos ang tatlong linggong walang palya sa pag aasikaso sa kaniyang mga negosyo. Ipinatong ni Isabela ang kakatimpla pa lang na isang tasang kape sa ibabaw ng lamesa sa tabi ng binata. Kasalukuyang nag aalmusal ang dalawa. Si Uno ay nasa kaniyang silid at tulog pa, hinayaan lang muna ni Isabela ang anak na matulog. "Ayos lang naman, hindi mo kailangang ma-guilty, naiintindihan ka namin ni Uno. Nagpapasalamat nga kami sa'yo kahit busy ka hindi mo kinakalimutang kamustahin kami. Nami-miss ka lang ng bata at ang bonding ninyo." "Yeah, I miss

