Kinabukasan, nagising si Isabela na tila ba may humahaplos sa pisngi niya. Pilit niyang iminulat ang mga mata para alamin kung sino 'yon. "Mommy, It's time for breakfast." Napabalikwas siya ng bangon ng marinig ang sinabing iyon ni Uno. "Oh,my gosh, sweetheart! What time is it?" tarantang tanong niya sa anak. Nagmamadaling bumaba sa kama. Mukhang tinanghali siya ng gising. Hindi pa siya nakakapagluto ng almusal. Naghilamos siya ng mabilis at nag-toothbrush, saglit na pinasadahan ng suklay ang buhok at saka binuhat ang anak at lumabas ng kwarto. Bumaba sila ng hagdan at tinungo ang kusina ngunit natigilan siya ng makita kung sino ang naroon. "Tito Ice prepared a breakfast for us mommy, come on let's eat." Dumausdos sa mga bisig niya pababa si Uno. Kumapit sa kamay niya ang bata at hi

