Sampung minuto bago mag alas dose ng hapon ay nakaparada na ang sasakyan nila Clark sa harapan ng Little Angels Home Foundation. Sinalubong ng tuwang-tuwang mga bata si Clark. Kita ang labis na kaligayahan sa inosenteng mukha ng mga ito. Ang lahat ay yumakap dito. Manghang-mangha naman sa kaniyang nakikita si Ponyang, hindi niya akalain na ganito karaming bata pala ang narito sa ampunan. Nasisiyahan siyang nakamasid lang sa mga ito. Para sa kaniya ay sulit ang mahabang biyahe kung ganito naman ang kanilang daratnan. "Mga bata, gusto kong ipakilala sa inyo si Ate Isabela, sumama siya sa akin ngayon para makita kayo. Batiin n'yo siya, i-welcome n'yo siya dito sa munti nating tahanan," sabi ni Clark sa mga bata. Kiming ngumiti naman si Ponyang sa cute na cute na mga bata. Tumayo ng t