"Tabi... Tumabi kayo!" Hinawi ni Ponyang ang mga estudyante na humarang sa kaniyang dinaraanan. Konting-konti na lang at male-late na siya sa susunod niyang klase. Nalibang siya kakalaro sa kaniyang cellphone at hindi niya namalayan na nag-bell na pala. Mahigpit ang kanilang professor sa subject na 'yon at ayaw na ayaw nitong may nale-late sa klase niya. Kapag na-late ka kahit isang minuto lang ay hindi ka na papapasukin kaya kailangang maunahan mo siyang dumating. Habang tumatakbo siya ay nakita niya si Mr. Ignacio na naglalakad alam niyang papunta na ito sa classroom nila kaya inovertake-an niya ito. Nagulat pa nga ang guro ng may parang mabilis na ipo-ipo na dumaan sa tagiliran niya. Sa bilis ni Ponyang na dinaig pa si The Flash ay halos hindi siya nagpasino ni Mr. Ignacio. Pagpasok