Araw ng Sabado. Alas otso pa lang ng umaga ay nasa Cakes and Coffee na si Ponyang para magtrabaho. Naroon na rin si Unni at Mac. May bago silang empleyado. Ipinakilala sa kaniya ito ni Unni. Carmela ang pangalan nito, isa ring partimer. Nag tatrabaho sa umaga at nag aaral naman sa gabi. "Ano'ng ginagawa mo, Isabela? 'Di ba sabi ni Boss Ice, kapag marumi na ang basahan ay palitan na, bakit ginagamit mo pa 'yan?" sita sa kaniya ni Mac, kasalukuyan niyang pinupunasan ang lamesa gamit ang paborito niyang pamunas. "Excuse me, ang sabi ni Poging Ice, kapag marumi na ang basahan at saka lang papalitan. Hindi naman marumi itong basahan ko, luma lang pero hindi marumi. Sige nga pagsabayin nating labhan itong basahan ko at saka 'yang medyas mo, sigurado akong mas malinis pa ang katas ng basah