Tuwing araw ng Sabado ay sa ospital nagdu-duty si Clark para sa kaniyang actual training. Nang paalis na siya ay nakita pa niya si Ponyang na lumabas ng gate, nakabihis ito at parang may lakad. Hindi niya nagawang tanungin kung saan ang punta nito dahil paglabas ng sasakyan niya sa gate ng mansiyon ay hindi na niya ito nakita. Hindi niya alam kung saan ito nagpunta at kung saan ito dumaan. Nang umuwi naman siya ng bahay bandang alas singko ng hapon ay wala pa rin ito. Hinintay niya ito hanggang sa sumapit ang alas siyete ng gabi ngunit hindi pa rin ito dumarating. Hindi pa siya inaantok kaya naisipan niyang magpahangin muna sa terrace. Mula sa kinaroroonan niya ay tanaw niya ang nasasakupan ng buong mansiyon, naroon ang malawak na garden, basketball court at infinity shape na swimming p