Semestral Break. Pahinga muna ang mga estudyante. Karamihan sa mga kaklase ni Ponyang ay tutungo sa ibang bansa para magbakasyon gaya nila Georgina at Colleen na pinayagan ng mga magulang na pumunta sa Paris nang silang dalawa lang. Masayang-masaya ang magkaibigan at iyon ang ipinagmamalaki nila sa kanilang mga kaklase ngayon. Marami rin sa mga kamag aral niya na asian country ang tungo. Ang iba naman ay out of town at gustong mag-explore sa magagandang tourist spot dito sa bansa. Ngayon ang huli nilang klase bago ang bakasyon, panay ang pagbibida ng kaniyang mga kaklase ng kanilang mga plano para sa kanilang semestral break. Si Ponyang ay tahimik lang, kahit hindi siya makinig sa pinag uusapan ng mga ito ay sadya pa rin niyang naririnig dahil ang iba ay nilalakasan pa ang mga boses a