Inuunti-unti nang ipinapakilala ni Clark ang kaniyang mag-ina sa mga tao. Hindi na nila ginagawang itago ang kanilang relasyon kahit na nasa pampublikong lugar pa sila. Araw ng Lunes, isinama nito ang kaniyang mag-ina sa ospital. Nakasalubong nila si Dra.Imperial habang naglalakad sila patungo sa kaniyang opisina. Huminto ang doktora, huminto rin ang tatlo para batiin ito. "Good morning po, Dra. Imperial," magalang na bati ni Isabela rito. "Hello, Doctor, how are you?" malambing tanong ni Uno. "I'm good, Uno. Thank you for asking," masayang tugon nito. Lumapit ang bata sa doktora at gustong yumakap dito kaya naman yumuko ito para maabot ang bata. Sa pagyuko nito ay hindi sinasadya na mabaling ang tingin nito sa magkasalikop na mga kamay nila Clark at Isabela. Binalewala muna niya i

