"Who could have imagine that after more than seven years we would all be together again at the dinner table like this? At nadagdagan pa tayo ng isa ngayon," tuwang sabi ni Elissa nang makitang kumpleto ang mga anak niya sa hapagkainan kasama sina Isabela at Uno. "Yeah! This is some kind of a reunion. Welcome back, Isabela," ani Brix. "Salamat," kiming tugon naman ni Isabela. "It was nice to see you again, my sister in law," sabi naman ni Iñigo. Katulad pa rin ng dati, ang mga ngiti nito ay tila ba nanunudyo. Biglang bumalik sa alaala ni Isabela ang nakaraan niyang kabataan kasama ang pamilyang Vander. Naging mabuti sa kaniya ang pamilya at hindi naman siya pinabayaan ng mga ito. Naging masaya naman ang buhay niya sa piling ng mga ito, kahit pa ginagawa siyang laging asarin at pag-tripa

