Kadarating lang ni Ice mula sa kaniyang business trip, hinanap agad niya ang mag-inang Isabela at Uno. Nakapagtataka kasing hindi siya sinalubong ng mga ito samatalang nag-message naman siya kay Isabela na pauwi na siya. Habang nasa ibang lugar siya ay hindi nila nagawang magkausap dahil abala siya sa negosyo at pakikipag meeting sa iba't-ibang mga kapwa negosyante. Kapag naman nakabalik na siya sa kaniyang hotel ay agad siyang nakakatulog dahil sa pagod. Palaisipan nga rin sa kaniya kung bakit ni isang message ay wala siyang natanggap mula kay Isabela. Hindi naman nito gawain ang ganu'n, kahit na hindi siya makapag message rito ay ito ang unang nangungumusta sa kaniya. Hindi na nga lang niya gaanong pinansin ang bagay na iyon dahil naisip niyang baka abala lang ito. "Where is Isabela and

