"Wow! This so cool! The house is so big... as in literally big! Is this yours, Daddy?" humahangang tanong ni Uno nang makapasok na sila sa loob ng malaking bahay. Iniikot nito ang mata sa buong paligid. "Yes, this is my house and this is now yours too." Ginulo ni Clark ang buhok ng anak. Natigil sila sa paglalakad ng humahangos na dumating ang mga kasambahay na nakasuot ng pare-parehong uniporme. Tumigil ang mga ito at humarap ng nakalinya sa kanila. Labis ang pagtataka ni Isabela, kanina lang ng pumunta siya sa bahay na ito ay wala namang katao-tao maliban kay Clark. Napatanong tuloy siya sa sarili kung saan nanggaling ang maraming kasambahay na ito na ng bilangin niya sa isip ay umabot nang sampung tao. "Maligayang pag dating," sabay-sabay na pagbati ng mga ito. Alanganing ngumiti s

