Walang imik si Isabela habang nasa loob siya ng sasakyan ni Clark. Katulad ng gusto nito pumunta sila sa bahay ni Ice para kunin si Uno. Walang siyang magawa kung hindi ang sundin ang gusto ng doktor. Mas matimbang sa kaniya ang anak kaya ito ang pinili niya. Si Uno ang pinakamahalaga sa kaniya, mahal niya ito higit pa sa kaniyang buhay at hindi niya alam kung ano ang kaniyang gagawin kung mawawala ito sa piling niya. Seryoso si Clark at alam niyang tototohanin nitong ilayo sa kaniya ang anak ano mang oras na gustuhin nito kapag ipinilit niyang makasal kay Ice. Wala ang binata ngayon, naka-out of town ito at bukas pa ang uwi. Hindi niya magawang tawagan ito at ipaalam dito ang nangyayari dahil natatakot siya. Siguradong malaking gulo ito. Naiipit siya sa dalawang nag uumpugang bato. Nan

