Isang mataas na bakod na may modernong disenyo na bahay ang tinitingala ngayon ni Isabela. Napatanong siya sa sarili kung si Clark nga lang ba talagang mag isa ang nakatira sa napakalaking bahay na iyon? Lumapit siya sa gate at hinanap ang doorbell nito. Nakita niya ang hinahanap sa may pader katabi ng pedestrian gate. Isang doorbell camera iyon na kapag pinindot mo ay makikita nang kung sino mang tao sa loob ang nagdo-doorbell sa labas. Hindi niya sigurado kung naroon nga sa loob si Clark ngunit nagbabakasakali siya. Kung wala naman ay hindi niya alam kung tutuloy pa siya sa mansion ng mga Vander para doon ito hanapin. Nakailang pindot na siya ng doorbell dahil wala namang sumasagot. Hindi niya alam kung wala talagang tao o hindi lang naririnig ang pag-doorbell niya. Ilang minuto na si

