"Dad, how could you do this to me?" Napamaang si Sebastian Vander nang ang tanong na iyon ang ibungad sa kaniya ng anak na si Clark. Sinadya siya nito sa kaniyang opisina isang hapon. "Huh! What's wrong, Clark?" takang tanong niya habang pinagmamasdan ang anak na noon ay papalapit na sa kinaroroonan niya. "Alam kong hindi mo gusto si Isabela para sa akin, pero bakit ba naman pati ang pagkakaroon namin ng anak ay inilihim mo pa sa akin? All those years na nagkahiwalay kami alam mo pala kung nasaan siya pero hindi mo man lang ipinaalam sa akin, hinayaan mo lang akong magdusa at mawalan na ng pag asa sa paghahanap sa kaniya." "So, alam mo na pala ang tungkol sa anak mo? Believe it or not ginawa ko 'yon para na rin sa kabutihan mo. She's not the right girl for you. At tungkol naman sa anak

