Nagmamadaling tinungo ni Clark ang laboratory ng hospital. Inutusan niya ang DNA analyst na kunan ng DNA paternity test ang mga dala niyang specimen. Ibinigay ang nakuhang cotton swab sample ni Uno pati na rin ang sa kaniya. "Mr. Archilles, I want you to conduct a DNA paternity test with this specimen. It's confidential and this is between the two of us, please don't tell anyone else," aniya sa kausap. "Yes, Doc. Makakaasa po kayo," mabilis na tugon naman nito. "How long will it take?" "Two to three days, Doc." "Pwede bang madaliin mo ang pagkuha ng resulta?" "Susubukan ko na maibigay sa'yo ang resulta in two days time, Doc. Iyon na ang pinakamabilis na kakayanin." Tumango siya. "Okay, thank you so much, I'm looking forward for the result as soon as possible." "Okay, Doc. I'll

