"I-Isabela!" "Ice!" Biglang umaliwalas ang mukha at sumilay ang ngiti sa labi ng binatang negosyante nang makita ang babaeng pinakamamahal. Kanina ay parang nawalan na siya ng pag-asa na masilayan pa ito nang hindi siya pagbigyan ng gwardiya ni Clark na makapasok sa pamamahay nito. "Ma'am, bumalik po kayo sa loob, hindi po kayo pwedeng makipag usap sa kaniya," saway ng gwardiya nang makitang papalapit na si Isabela sa gate. "Could you please give us a time to talk to each other. I won't do anything, I just want to talk to her,"pahayag ni Ice. "Pe-pero, kapag nalaman 'to ni Dr. Clark ako naman ang mapapagalitan," alanganing tugon ng gwardiya. Gusto niyang pagbigyan na makapag-usap ang dalawa kaya lang ay nag-aalangan siya na baka makita ni Clark ang mga ito mula sa cctv na nakakabit s

