Nang gabing iyon ay hindi namalayan ni Isabela na nakauwi na pala ng bahay si Clark. Nagising siya ng alas dos nang madaling araw na natutulog na ito sa kaniyang tabi, sa itsura nito ay halata mong pagod na pagod. Tanging ang apat na dim light lang sa kisame ang nakabukas at nagsisilbing liwanag sa loob ng kanilang silid ngunit, hindi naging hadlang iyon para hindi niya masilayan ng mabuti ang maamong mukha ng kaniyang asawa. Ito ang unang pagkakataon na natitigan niya ito. Ilang araw na silang magkasama ngunit ni minsan hindi niya ito magawang tingnan ng matagal dahil natatakot siyang mahuli siya nito na nakatingin sa kaniya. Natatakot siyang malaman nito sa kaniyang mga mata ang tunay niyang damdamin para rito. Naiintindihan niya ang ginawa nito kanina nang iwan siya nito sa kalagitna

