Hindi malaman ni Ponyang kung paano makakalapit kay Clark. Ang tanging oras na nagkakasama sila ay sa tuwing gabi lang kapag lilipat siya sa kwarto nito kaya lang ngayon ay hindi na siya makapasok sa silid nito dahil lagi nang naka-lock iyon. Ilang gabi na niyang sinusubukan ang makapasok sa silid nito ngunit palagi na lang siyang bigo. Nalulungkot siya, miss na miss na niya ito. Isang gabi wala ang lahat ng Vander may pinuntahang party ang mga ito. Ito na ang pagkakataon na pinakahihintay ni Ponyang. Nagpaiwan kasi si Clark at hindi sumama sa party dahil nagre-review ito para sa exam niya bukas. "Clark, buksan mo na please. Pwede ba tayong mag usap?" aniya habang kinakatok ang pinto. Hindi niya tinigilan ito sa kakakatok hangga't hindi siya pinagbubuksan nito. "Please, mag usap nama

