Nakauwi ng Pilipinas ang tatlo at nagiging magandang alaala nila ang unang bakasyon. At kahit papaano ay nakatagpo ang puso ni prince Minghuang ng babaeng mamahalin nito. Ang kaniyang pagkagusto kay Zhulie ay hindi lingid sa kaalaman ng kaniyang mga magulang. Dahil ipinagtapat niya ito at wala silang tutol para doon sapagkat hangad nila ang tunay na kaligayahan ng kanilang mga anak. Sumapit ang pasukan at huling taon na iyon ng magkapatid. At first-year college naman si Zhyier. Magkasama na ang tatlo sa unibersidad kaya panatag na ang kalooban ni prince Llie-Yee. Sapagkat madali na niyang mapuntahan ang nobya. "Excited much na ako ilang buwan na lang at magiging girlfriend ko si Zhulie," masayang pahayag ni prince Huang-Yee. "Isang ikot lang iyon ng orasan," tugon ni Zhyier. "Ako n