NAGSIMULA ang regular na pasukan at inihatid ni prince Llie-Yee ang fiancee sa kaniyang classroom. At ang mga kaklase niyang mga babae ay nagkaniya-kaniyang silip sa binata. At nang makapasok siya at nagsipag-upo ito na tila walang nangyari. Hinahanap niya si Feah, at nakita niya ito sa pinakasulok at nakayuko ito. Napangiti siya at kaniyang nilapitan. "Hi, Feah!" bati niya at hinila ang upuan. "Hello, Zhyier ..." nakangiti niyang tugon. "Ano ang nangyari diyan sa eyeglasses mo?" malungkot niyang tanong. "Nahulog, kaya tuluyang nasira." Awang-awa siya rito kaya naisipan niya itong ipasyal sa mall by saturday. Upang bilhan ng bagong eyeglasses. "Feah, saan ka ba nakatira?" "Nag-rent ako ng kuwarto sa may squatter area. Doon lang kasi ang mura. By the way, nagawa mo ba ang as