AVERY Umaga na nang umuwi dito sa bahay si Xander. Hindi ko alam kung saan siya galing dahil nalaman ko na lang na umalis siya kasama ang mga tauhan niya. Nandito ako sa malawak at malaking sala ng nakita kong pumasok sa pintuan si Xander, kasunod ang ilang armado niyang mga tauhan na laging kasama niya kahit saan siya magpunta. "Good morning, baby. How are you?" malambig na bati at tanong agad ng asawa ko nang lumapit siya sa akin at magaan na pinatakan ng halik ang labi ko. "Okay lang ako. Saan ka galing, Xander?" walang paligoy-ligoy na tanong ko, sabay sulyap sa ilang tauhan ni Xander na nakatayo sa likuran niya, ilang hakbang mula sa kanya. "I just settled some important things," nakangiting sagot agad ng asawa ko. Umupo siya sa tabi ko at naglalambing na sumandal ang ulo sa bal

