AVERY Agad na tinawagan ni Xander si Dexon ng sabihin ko sa kanya na tumawag ang kaibigan niya at hinihintay rin nito ang tawag niya. Mukhang seryoso ang naging usapan nilang magkakaibigan, dahil nakita ko kung paano nagbago ang ekspresyon ng mukha ng asawa ko habang kausap si Dexon. Ilang ulit ko rin siyang narinig na nagmura. English naman sila kung mag-usap ni Dexon, kaya kahit paano ay nauunawaan ko ang takbo ng kanilang usapan. Mukhang tungkol ito sa daddy ni Xander, dahil iyon ang narinig kong paulit-ulit na sinasabi ng asawa ko. Matagal silang nag-usap, narinig ko rin na tinanong ni Xander kay Dexon kung ano ang naging reaksyon ni Aubrey. Hindi ko na napakinggan ang sumunod na mga pinag-usapan nilang dalawa, dahil tumayo ako at pumasok sa banyo. Bigla kasi ay nakaramdam

