AVERY Tahimik na nakaupo ako, katabi si Xander dito sa library at hinihintay na dumating sina Carla at George. Pinatawag ko silang dalawa, dahil gusto ko silang kausapin kung ano ang plano nila, ngayong may nangyari sa kanilang dalawa at posibleng mabuntis ni George si Carla dahil sigurado akong hindi sila gumamit ng kahit anong protection kagabi. Napalingon ako sa pintuan ng makarinig ako ng mahinang katok. May pinindot na button si Xander sa tabi niya at hindi nagtagal, bumukas ang pintuan at pumasok si Carla. Pinaupo ko siya kaharap namin ni Xander. Alam kong hindi komportable si Carla ngayon, dahil ramdam ko ang awkwardness sa kilos niya habang nakaupo kaharap namin. Hindi nagtagal, dumating rin si George. Tahimik na umupo rin siya sa pang-isahang sofa at pagkatapos ay napabuntong

