AVERY Kanina pa ako nakasimangot at naiinis, habang nakaupo kaharap ni Xander, pero nagawa pang ngumiti sa akin ngayon ng asawa ko. Talagang mainit ang ulo ko ngayon, lalo na nang nalaman ko ang nangyari kagabi, tapos nasangkot pa sa gulo ang kapatid ko at dahil rin iyon sa kalokohang ginawa nilang dalawa ni Alexander. Alam ni Xander na hindi biro para sa akin ang nangyari kanina, pero nagkibit-balikat lang siya ng tanungin ko kung bakit niya nilagyan ng kung ano ang inumin ni George. Ang nakaka-inis pa, pati si Arnel, uminom rin kagabi at gumawa ng milagro. “Hindi ako nakikipag-biruan sa iyo, Alexander!” mainit ang ulo na singhal ko sa asawa ko. “Ang tanda mo nang iyan, pero puro ka kalokohan. Tingnan mo ang nangyari sa kapatid ko.” Nanliliit ang mga mata na tinapunan ko si Alexand

