ALEXANDER “Idiot! Why did you answer my wife's call?” mainit ang ulo na tanong ko sa tatanga-tangang tauhan ko. “Sorry, boss. Hindi ko po alam na si Ma'am Avery ang tumawag kasi number ni Patrick ang gamit niya. Nagulat na lang po ako ng marinig kong inutusan niya akong ibigay sa iyo ang cellphone,” paliwanag ni Arvin, isa sa mga kasama kong tauhan. Nandito na kami ngayon ng mga tauhan ko sa labas ng presinto. Mabilis na binuksan ko ang pintuan ng kotse ko kanina at pagkatapos ay agad pumasok at umupo dito sa backseat ng sabihin ni Avery na gusto niya akong makausap via video call. Okay na sana ng lahat, pero biglang naging bobo ang mga tauhan ko at binulgar ang sikreto namin ni Arnel. Supposedly, she shouldn't know about it, dahil na settle ko na. Nailabas ko na sa kulungan si Arnel

