AVERY Kanina pa ako naghihintay ng balita tungkol sa lakad ni Xander at ng mga tauhan niya, pero wala akong natanggap na tawag mula sa kanya. Ayaw ko naman siyang tawagan, dahil alam kong risky ang operation na pinuntahan nila. Baka maging dahilan pa ang tawag ko para mapahamak sila, kaya matiyagang naghihintay na lamang ako dito sa hospital sa kung ano ang magiging resulta ng pagpunta ng grupo ni Xander sa lugar na pinagdalhan kina Aila ng mga demonyong dumukot sa kanila. Habang nagbabantay kay Arnel ay paulit-ulit na nagdadasal ako na sana ay walang masamang mangyari sa kahit na sino sa kanila. Ito lamang kasi ang tanging magagawa ko, dahil kahit paulit-ulit akong mag-isip kung ano ang mabuti kong gawin para mahanap sila ay helpless rin ako at walang magawa. Ilang ulit na akong nagt

