ALEXANDER Matapos naming ma-finalize ang impormasyong kailangan namin ay nagkaroon kami ng final briefings sa magiging movement ng bawat isa sa amin at kung ano ang magiging position ng bawat team, sa gagawing pagsugod sa kampo ng grupong may hawak sa dalawang kapatid ni Avery. Sakay ng walong sasakyan ay magkakahiwalay na tinungo namin ang apat na entry point ng lugar. Based on our initial plan, sabay-sabay na papasukin namin ang iskwater para makuha namin ang hawak nilang mga kapatid ng asawa ko. Hindi madali ang gagawin namin. Markado ang bawat exit at entry route sa lugar, kaya kailangan namin ng mas concrete at maayos na execution ng plano bago namin ito pasukin, dahil buhay naming lahat ang nakasalalay. Tumigil ang sasakyang sinasakyan ko ilang metro ang distance mula sa main en

