AVERY Ang dating tahimik na bahay namin ni Xander ay bigla naging maingay at napuno ng tawanan nang dumating dito sa amin ang mga kaibigan ko. Maging ang mga kasambahay namin ay hindi nakaligtas sa pangungulit ng madaldal at maingay na si Harlen. Natuwa naman ang mga kasama namin dito sa bahay, lalo na si Melanie na nakasundo agad ng dalawa at nangibabaw rin ang tinig niya, kasabay ang mga kaibigan kong wala ng ibang ginawa kung ‘di ang kulitin si Patrick. “Tigilan mo na si Patrick, Harlen, at baka bigla ay sugurin at sabunutan ka ni Diana,” natatawang bulong ko sa makulit na kaibigan ko. “Ang sabi mo, Aves, wala pa naman silang label, hindi ba?” makulit at pilyang tanong ni Harlen sa akin. Mukhang type talaga ni Harlen si Patrick, kaya siguradong kukulitin siya ng makulit na kaibig

