AVERY "Wala bang sinabi sa iyo ang asawa mo kung paano kayo biglang naikasal ni Alexander, Avery?" tanong ni Tito Sabby. Sinabi ko sa kanya na natatandaan kong pinapirma ako ni Xander sa ilang papeles na ang akala ko ay part pa rin ng kasunduan naming dalawa. Inamin naman sa akin ni Xander ang tungkol doon at humingi siya ng tawad, pero dahil masama ang loob ko, kaya hindi ko siya kayang kausapin. Ilang araw akong nag-isip, hanggang dumating ako sa point na tanggap ko na ang tungkol sa kasal namin at willing akong pakinggan siya, pero hindi nangyari dahil may nadatnan na naman akong ibang babae sa bahay niya, tapos buntis pa at siya ang ama. "You see, isa iyan sa biggest mistake na ginawa mo, Avery. Paano pala kung hindi lang marriage certificate ang pinapirmahan sa iyo ni Alexander? A

