AVERY Tahimik na nakaupo ako sa front seat, katapat ni Xander, habang nagmamaneho siya. Hanggang ngayon, nakikiramdam lang ako sa kanya, dahil simula kaninang pumasok ako dito sa sasakyan niya ay hindi siya nagsalita. Nasa kalsada nakatutok ang atensyon ni Xander. Seryoso lang siya. Kinakabahan tuloy ako, lalo na at hindi ko alam kung ano ang alam niya, kung bakit bigla na lang akong nawala sa bahay niya. Alam kong galit si Xander sa nangyari, lalo na at paulit-ulit na sinabi niya sa akin na hindi siya papayag na umalis ako sa bahay niya, pero hindi naman ako ang may gusto, kung bakit napunta ako sa poder ni Tito Sabby. "Xander, may plastic bag ka bang naitabi dito?" hindi nakatiis na tanong ko. Naduduwal na naman kasi ako. Hindi ko gusto ang amoy ng sasakyan niya at gano'n rin ang

