AVERY Tipid ang ngiti na umupo ako sa bakanteng silya na katabi ng upuan ni Xander, kaharap ang isang may edad na babaeng doktor. Ang asawa ko ang nakikipag-usap sa OB-gynecologist na kaharap at kausap namin. Tahimik lang ako sa tabi niya, habang nakikinig sa usapan nilang dalawa. English sila kung mag-usap dahil gusto ni Xander na aware rin ako sa kung ano ang pinag-uusapan nilang dalawa. Mabuti na lang at marunong rin magsalita ng English ang doktor at base sa nakikita ko, sanay siyang makipag-usap gamit ang ganitong lenguahe dahil mas nauunawaan ko kung ano ang sinasabi niya. May kasama kaming nurse dito sa silid. Bata pa siya at sa tingin ko ay hindi naglalayo ang edad namin. "We will run a test and ultrasound on your wife, sir," sabi ng doktor na sumuri sa akin, matapos niyang

