AVERY Maaga akong nagising kaninang umaga, dahil napag-usapan naming dalawa kagabi ng asawa ko na pupunta raw kami mamaya sa hospital. Kahit may mga doktor kasi dito sa bahay ni Xander ay ayaw niyang patingnan ako sa kanila, dahil mga general practitioner daw sila at wala sa kanila ang specialist sa buntis, which is iyon ang gusto ng asawa ko na sumuri sa amin ng baby ko. Four months na rin ang tiyan ko. Hindi nga lang gaanong halata, dahil bukod sa payat ako ay masyadong maliit ang pagbubuntis ko. Minsan nga, nakikita kong nakatingin sa tiyan ko ang asawa ko, kapag nakahiga ako at pinagmamasdan niya kung may changes na ba sa katawan ko dahil para lang kasi akong busog. Hindi pa malaki ang pagbubuntis ko, kaya kahit na confirm na namin ito sa Pilipinas ay gusto pa rin ni Xander na mak

